Luke 21:1-4

Ang Kaloob ng Biyuda

(Mar. 12:41-44)

1Pinagmamasdan ni Jesus ang mayayamang naghuhulog ng pera sa lalagyan ng mga kaloob sa templo. 2Nakita rin niya ang isang mahirap na biyuda na naghulog ng dalawang pirasong barya. 3Sinabi ni Jesus, “Sinasabi ko sa inyo ang totoo, mas malaki ang ibinigay ng biyudang iyon kaysa sa kanilang lahat. 4Sapagkat silang lahat ay nagbigay galing sa sobra nilang pera, pero ang biyuda ay nagbigay sa kabila ng kanyang kahirapan. Ibinigay niya ang lahat ng ikabubuhay niya.”

Copyright information for TglASD